Tuesday, January 18, 2011

Respeto..

Naisip mo na bang magpakalayo-layo sa lugar na walang nakakakilala sayo? Ako kasi, oo.

Mukha lamang akong simpleng tao pero ang totoo, maraming nangyari sa akin.. masaya, malungkot, nakakainis, masalimuot.. mixed emotions kung baga. At kahit anong gawin mong paglimot sa mga pangyayaring hindi mo talagang nais na maalala, babalik at babalik ito sayo. Saklap no?

Gusto kong lumayo. Gusto kong magsimula ulit. Gusto ko lang ng new found respect.

Minsan talaga, hindi ko maialis na isipin na wala nang rumerespeto sa akin. Kung meron mang may respeto, mabibilang ko sa kamay ko. Idagdag mo na dito siguro ang mga taong kung tumira eh patalikod. Ewan ko kung meron nga. Wala kasi akong ideya.

Ayun, naglabas lang ng saloobin. Hindi pa rin nakakagaan ng pakiramdam pero at least nabawasan.

Pic of the Day (Engrish.Funny.com)

Saturday, January 8, 2011

The Lamay Crashers

Panimulang blogpost para sa 2011.

Nagpunta na kami ng kaibigan kong si Pauline sa lamay nung dad ng katropa ko nung high school nung Thursday at minabuti na rin namin magtungo ulit dun kagabi. Napagpasyahan naming magkita sa 7-11 Bayan, Marikina ng 6.30pm. Pagdating ko dun, wala pa siya so bumili muna ako ng ice cream na vanilla at hinintay siya sa labas. Di malaon, dumating na rin si Pauline.

Naglakad kami from 7-11 hanggang sa memorial homes na malapit sa Our Lady of the Abandoned Church sa may Calumpang. Pagdating namin dun, medyo pasilip-silip kami, chine-check namin kung may kakilala kami dun. At dumiretso nga kami dun sa isa sa mga viewing rooms.

Nasa may pintuan pa lang kami, napansin naming wala yung mga usual na mukha at mga kakilala. Naisip naming maaga pa kaya wala pang tao. So naglakad-lakad kami upang magpalipas ng oras.

Lumakad kami nang lumakad hanggang makaabot kami sa dulo nung street na tinahak namin (dahil sa kakahanap ng isaw). Tapos, napagpasyahan naming bumalik na ulit dun sa lamay. Nadaanan namin ang isang astig na coffee shop -- Mama Chit's yung pangalan. Nag-aya na muna ako kumain bago bumalik dun.

Matapos naming kumain, bumalik na kami sa lamay. Sumilip-silip ulit kami at sinabi ko kay Pauline na itext na si Rands para tanungin siya kung nasan sila. Nagreply siya at sinabing nasa Paket lang naman sila. So nagmasid-masid ako sa paligid dahil hinahanap ko yung itim na telang nakasabit na may pangalan nung namatay. Wala kasi siya dun sa lugar kung saan namin siya nadatnan nung Thursday. Napansin kong nasa kabilang side na siya. Tapos tumingin ako dun sa isang room (or bahay ata) na pinaglalamayan at nakalagay yung name na nakadikit sa pintuan dun. Tinuro ko at nasambit ang "Ayun!" kay Pauline. All along, mali pala yung napasukan naming lamay nung andun kami nang maaga-aga. Lumipat pala sila sa kabila.

Grand entrance, Teh. Nakakahiya.

Engrish Pic of the Day (from Engrish.com)